Thursday, July 21, 2011

Sutherland Tarlac

Nagpunta ako kahapon sa Sutherland Tarlac para ifollow up ang application ko. Ang galing! Kaya naman pala nakailang low batt na ako sa kakahintay wala pa din silang text kasi wala naman na pala silang balak na itext ako. Nakakainis dahil gusto ko na sana yung account na nagstart nung Monday (July 18, 2011) Yung AT&T, permanent account kasi nila yun. Ang natatangi nilang permanent account. Yung ibang account na kasi nila project based, meaning 3-5 months lang yung account pagkatapos nilang gamitin ang katawang lupa mo at tuyuin ang dugo mo goodbye na sayo. Wala man lang benefits. Hay... gusto ko na sanang magtrabaho pero ang problema ayaw ko naman yung account na binibigay sa akin. Yung play.com daw. Ramp up lang kasi sa August. Eh panu naman yun kapag pinagsawaan na nila ang ganda ko? Wala na? Goodbye na? Ayoko naman ng ganun. Syempre ang gusto ko yung may patutunguhan ang aking career. Nakakainis. Well anyway, sa ngayon tatambay na lang muna ako.



Actually meron akong pinagkakaabalahan sa internet. Medyo online income siya. Matagal na akong member nito last year pa kaso napabayaan ko kasi tinamad ako. Sayang nga naisip ko kung inasikaso ko lang noon siguro kahit pano may extra income na ko ngayon kahit medyo barya. Madali lang nman kasi siya. Tamang tama sa mga katulad kong tambay at walang ginawa kundi magbabad sa internet. Pero di ko muna ishare kasi ayaw kong mapahiya. Gusto ko kapag nagshare ako yung may katibayan na talagang may katotohanan talaga ang mga pinagsasabi ko.

Siguro wait muna ako ng 1 month... Good luck sa akin!!! :P

4 comments:

  1. pwede ba malaman kung naung number ng sutherland tarlac? thanx po

    ReplyDelete
  2. hello! di ko po alam number ng sutherland tarlac eh. tagal na nito. hahahaha! I google na lang po natin. :)

    ReplyDelete
  3. hi,madali lang ba mag apply sa suth tarlac? tnx

    ReplyDelete