Alas singko na hindi pa din ako natutulog. Naririnig ko na ang auntie ko na nagluluto ng almusal. Very good talaga. Hindi bale masaya naman ang gabi ko. Halos ginugol ko sa pagbabasa ng mga ibang blogs na nakakatawa. Nagtambay ako ng matagal sa tunaynaveyklas naadik ako at binasa ko lahat ng post nya. tawang tawa ako sobra. Para akong tanga na tawa ng tawa magisa. Sayang August 2010 pa yung last post nya. Ano na kayang nangyari sa kanya bakit hindi na siya naguupdate?
Anyway, ayun nga kakatambay ko sa iba't ibang site, napansin ko yun icon sa baba. yung top blogs. clinick ko siya tapos napunta ako sa site nila. Ang daming mga blogs na gawang pinoy tapos mga nakakatawa. Pero paborito ko pa din talaga yung veykla. hahaha! Siguro kasi may dugo akong veykla.
Nagsign up ako sa TopBlogs. Sana naman kahit paano magrank. hehe! hindi ko pa kasi masyadong pinapamalita itong blog ko. Kumbaga private pa ito ng lagay na 'to. Ako lang ang nakakaalam. hehe! Pero naisip ko baka hindi tanggapin ng Topblogs itong blog ko kasi yun mga iba repost. Hayaan na nga. Parang gutom na ako. kakain na lang ata ako.
It will rank.
ReplyDelete