Thursday, July 21, 2011

US Embassy Appointment MANILA


Isang linggo ang nakalipas mula ng maconfirm ang appointment ng interview ni mommy para sa kanyang nonimmigrant US Visa. Natatawa ako dahil tense na tense ang dakila kong ina sa magaganap na interview. Akala ata nya interview ito with Oprah. Hehehe! Okay lang naman na matense siya kaso medyo oa kasi yung sa nanay ko dahil masyadong advance at talagang pinoproblema nya sobra. Like lagi na lang yun ang nasa isip nya, di siya makatulog dahil sa kakaisip sa interview nya, minsan kahit kumakain nakakunoot ang noo. Di siya mapakali.

Syempre ang dakilang anak to the rescue (Ahem!) Google google ng mga bagay bagay sa internet na maaring makatulong upang maabot nya ang kanyang minimithing tagumpay. Dahil sa lahat ng tanong ni mommy ang pinakagumagambala sa kanya ay ang mga Id na kakailanganin sa embassy. Hinalughog ko na ang buong internet pero wala akong ibang nakitang kakailanganin nyang dokumento kundi yung nakasaad sa email na:
1.    Appointment Letter
2.    Valid Passport
3.    CEAC Confirmation
4.    Letter. 2” x 2” color photo in white background
5.    at isang munting paalala na huwag magsoundtrip o magpakatechie sa loob ng embassy.



Hindi naman sa makulit ang nanay ko, medyo "inquisitive" lang talaga siya. Kaya pinilit niya pa din ako na humanap ng reliable source na makapagsasabi ng kung ano ba talaga ang dapat niyang dalhin. So ang ginawa ko hinalughog ko naman ang kabuuan ng contacts ko sa cellphone at tinext ang lahat ng nakasave dun, kasehodang natext ko na din pati yung nagdedeliver sa amin ng gas pati na yung police station dito sa amin (Hu u? wer did u get my no.? rply asap) wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga napagbigyan ang hilig ng dakila kong ina (naks!) Ayun sa awa naman ng Diyos, pagkatapos na munting maghang ng cellphone ko sa dami ng tao at daming characters na sinend ko, karamihan sa kanila naman nagreply agad. "Putol message mo, pasend ulit" Syempre isesend ko naman with matching cross fingers at dasal na sana siya na ang makasasagot sa problemang pasan ng aking nanay. Buti naman di masyadong suspense kasi mabilis naman sila magsisagot. Anong reply kadalasan? "Ay sori dko alam eh..." Oh diba ang happy?! Pero ayos lang naman dahil may mga mangilanngilan naman na sumasagot ng tama ang nagbibigay ng impormasyong alam nila. Pero syempre mas gusto ko sigurado kaya ang ginawa ko tinawagan ko yung call center ng embassy (029825555) at dumaan ako sa masusi nilang pagscreen ng tawag, Isang proseso na pinagdadaanan ng mga caller ko nung ako naman ang nasa call center. Medyo badtrip kasi after kong magexperiment sa mga numerong dapat pindutin at nakamit ko ang pangarap kong makausap ang isang live agent, umarte si ate na parang walang naririnig. Nagghost Spiel ang bruha! hmmm... Helen ata ang name ng babaita! medyo nalowka ako kasi alam na alam ko yan! Yun mga tipong pag pagod ka na sa call magpapanggap kang hindi naririnig si caller, o kaya naman minsan kapag nagpapababa ng AHT, syempre kapag ghost spiel seconds lang yun noh! Hindi ako judgmental. Ramdam ko ang pagkaechusera ni ate dahil nagiiba ang tono nya kapag nagsasalita ako. Alam kong ramdam niya ang presensiya ko. Grrr! Anyway, wala naman akong magagawa kung talagang magaling magpanggap si ate dahil bigla na lang niya akong dinisconnect pagkatapos magbingibingihan sa mga hinaing ng puso ko. So wala akong magawa, maybe we're not meant to be. Ilang seconds bago ako nakamove on sa ginawang paglapastangan ni ate sa karapatang pantao ko. Pero nun nakamove on naman na ako, panibagong tao na ako. Hehe! Well, medyo madali akong nakalimot sa mga pinagpipindot ko kaya isinulat ko ang mga numbers na pinindot ko para makarating sa agent na kakalinga sa akin. Eto po ang guide:
1.    Dial 029825555
2.    Press 1 - English 2 - Cebuano 3 - Ilocano 4 - Tagalog (Gang 4 lang ako dahil tagalog ang pinili ko :P)
3.    Tapos sa susunod na prompt press 1 - nonimmigrant
4.    Then press 2 - nonimmigrant information
5.    Then press 3 - embassy info
6.    Finally pagkatapos na dumakdak nun recording press 7 para maumpisahan na ang chikahan!
Oooops! Bago ka pala makaconnect sa live agent pakihanda ang mga sumusunod na information for verification:
1.    First and Last Name
2.    Passport no.
3.    Date of birth
4.    Email address

Itatanong kasi nila yang para makasiguradong hindi ka prank caller. Hehe! So ayun na nga, nun naverify na ni Dan (agent) yung mga information nagumpisa na akong bombahin xa ng tanong:
1.    What Ids are needed?
1.    What documents need to be presented?
2.    Is new student permit license valid?
3.    Is postal Id valid?
4.    Is SSS E-1 form accepted?
5.    Does my mom need to secure an NBI, Police or Baranggay Clearance?
6.    Would we need to present a bank statement?
7.    Does she have to present her Birth Certificate and/or Marriage Certificate?
8.    Is TIN Id needed?
Tagalog naman kami magusap pero kasi ayan yung nakasulat sa to do list ko. hehe! Anyway ang sabi nya bahala daw kami sa buhay namin. Charos! Well ang totoong sinabi niya hindi naman na daw talaga kailangan ng mga kung anu anong Id basta ang mahalaga daw talaga yung apat na requirements which are the following:
1.    Appointment Letter
2.    Valid Passport
3.    CEAC Confirmation
4.    Letter. 2” x 2” color photo in white background
5.    At sundin ang munting paalala na huwag magsoundtrip o magpakatechie sa loob ng embassy.
6.    *saka pala yung resibo sa bangko na nagsasabing nagbayad ka ng visa fee.

Oh di ba inulit ko lang? Para sure. Eh kasi naman ang tagal tagal kumuha ng NBI tapos yung mga iba gastos lang. Tapos luluwas pa kami ng Manila. Ang gastos! Eh wala naman extrang pinadala yung ate ko. Ay meron pala. $10 na mapagpanggap. $140 kasi ang bayad sa B2 pero pag nagbayad ka pala sa BPI dapat sure ka kung anong visa type kasi hindi daw sila ngaassist ng sa BPI ng Visa. Saka kapag magbabayad ka, peso na pero depende yun kasi nga nagflufluctuate ang forex. Yung samin inabot ng Php 6020. $150 ang ipinadala ng ate ko kaya may sobrang $10.

Sa madaling salita, hindi na kami luluwas ng Manila at hindi na kami kukuha ng kung anu anong Id. Hindi naman daw kailangan. Kung ano daw ang meron ayun ang ipresent naming kasi di naman daw nila maigaguarantee na kapag kumpleto si mommy ng mga ganung bagay eh maapprove na siya, discretion pa din daw ng consul yun. Sabi naman nung isang friend ko, sana wag daw sa window 10 kasi masusungit daw dun. Well, tingnan na lang natin. Update na lang ako kung anong mangyari sa August 19.

No comments:

Post a Comment