Sunday, July 17, 2011

Four months later...

Hi internet! (Wala naman akong readers kasi) Hehe! Ang tagal na pala mula nun last post ko. Nagulat nga ako kasi gagawa lang sana ako ng bagong blog pag open ko meron na pala akong nagawa before.

So kamusta naman ako after four months? Ganun pa din. Living up to my blog name. IBM pa din ako. Istambay Buong Maghapon. So bakit ako nawala at hindi nakapagupdate ng matagal? Simple. Naputulan kami ng connection. Since Bakasyon naman hinayaan na ng nanay ko na putol muna. Actually nung July 1, 2011 lang kami nakabitan ng internet.

So ano naman ang pinagkakaabalahan ko ngayon? Actually medyo naghanap ako ng trabaho last month. Dito lang sa probinsya namin kasi ayaw na din ng nanay ko na malayo ako. Aba! Ako ata ang utusan niya dito. Wala naman ibang maasahan kundi ako lang. Kapag may event sa school ng mga pamangkin ko, bayad ng bills, withdraw sa atm, paglakad lakad ng mga papeles, mga ganung bagay ba. Hay naku! Kung ako lang ayoko na dito. Nahihirapan akong maghanap ng trabaho. Kasi naman ang daming applicants pero ang konti ng available na trabaho. Kahit na sinasabi nila na masyado ng madaming trabaho sa Manila, sa tingin ko mas gusto ko pa din dun. Di naman sa nagyayabang, pero mas madali kasi ako makahanap ng trabaho dun. 1 day lang pasok ka na. Oh, diba! Express! Pero teka ha? Wag kayo maexcite, kasi po pang call center yan. Kesa naman dito sa amin.




Dito kasi isa lang ang legitimate na call center (Opinion ko lang.) Pano ba naman may tatlo ngang call center dito (Last na pagkakaalam ko) at inapplyan ko na silang lahat. Eto sila:

1.     Sutherland.
Syempre una ito sa listahan dahil ito ang tinutukoy kong legitimate na call center, besides magstart nako dapat sa kanila bukas ng gabi (July 18, 2011) Ewan ko lang ha? Actually medyo dko pla masyadong sure yan. Pano ba naman nagtext sa akin yung HR nila June 30, 2011 ng alas dose ng madaling araw, ang sabi be ready with your pre employment requirements daw tapos biglang banat na keep your line open for further instructions. Ayun awa ng Diyos hanggang ngayon (July 17, 2011) wala pa din yung "further instructions." Kaya ang ginawa ko pinuntahan ko nung friday yung HR nila at nagtanong kung ano ba talaga ang nagaganap at bakit hindi pa nagtext ulit (baka walang load, share-a-load ko sana. Hehe!) Anyways, nun nagpunta ako ang sabi wag daw akong makulit (Joke!) Anyway, ang sabi nun receptionist wait ko lang daw yun text (verbatim yan. "Wait" ko daw.) Binigyan ako ng Requirements checklist tapos sinabi nya na para daw yun sa AT&T na account nila. Natuwa naman ako kasi last na nagapply ako dun, (Opo, nagapply nako at nagattend ng isang gabing training. Diko tinuloy dahil hindi ko nagustuhan ang mga nalaman ko.) nilalagay ako dun sa project-based nilang account, yung 4 months lang. Ramp up lang kasi yung account kaya naghahire sila that time, tapos after 3-4 months unemployed ka na naman. You have to go through their employment process and that includes the 10 day COL (Center of Learning) Training na hindi naman bayad. Opo, unpaid po ang training nila. Okay naman na sa akin yung unpaid training, mairaraos ko siguro yun, kaso ang di ko lang talaga kinaya ay yung 3-4 months lang. Di ko keri mga teh! Okay lang sana kung probationary di ba? Syempre ang gusto ko yung trabaho na permanent. Oo nga pala, nung nagapply ako last year, mga November yun, Php10500 ang minimum nila sa mga walang call center experience tapos pag may 10 months ata na call center experience Php11000 tapos kapag 2 years ata Php12000. Medyo di na ako sure sa mga figures na yan kasi last year pa yan. Update ko na lang kapag nagbago.

2.     Telesource.
Kung sa Sutherland 1 night akong nagattend eto mas matagal. 2 nights! Hehe! May kasama akong friend nung nagapply at nagattend ako dito. Hindi na dapat umabot sa pangalawang gabi kung umpisa pa lang maayos na naipaliwanag sa amin nung trainer/manager/team lead/IT/payroll/janitor (Joke! Pano kasi siya na lahat.) ang tungkol sa salary. Would you believe na hindi namin alam na first night magrerender na kami ng full shift? Magulo ang management nila (Kung meron man.) Pano ang sabi sa text Final assessment lang daw kaya nagpahatid pa kami dun sa friend ko (ui.. friend daw!) O sige na nga! O di jowa, ayun nga, nagpahatid kami sa jowa ko. 30 minutes away kasi siya from our home tapos by bus pa. Kung hindi pa ako kinulit ng mga co-trainees ko (lima kaming trainees) Hindi ko din sana kukulitin yung all-in-one naming trainer. Pero mabuti na lang din at naglakas loob akong tanungin siya dahil nashock ako sa nalaman ko. Ganito daw pala kasi ang mangyayari.
1. Three days of unpaid language training.
2. One week of “product training”. Training daw pero magstart na kaming magcalls at magrender na kami ng full 8-hour shift. Eto pa ang nakakaloka ang allowance kapag trainee ay tumataginting na 100 pesos per day! Eh hello!?? Ang pamasahe ko sa bus is 52 pesos back and forth tapos tricycle 15 pag gabi dahil wala naman ng jeep nun. Pag umaga naman pwede ng magjeep, 8 pesos. So magkano nay un? 75 pesos pamasahe pa lang. Hindi ba ako nagugutom? Wala ba akong bisyo? Pagod na ako ng 8 oras, puyat pa, stress pa tapos ang kita ko lang 25 pesos?! Cannot be!
3. Regularization. Kapag nalampasan mo ang lahat ng pagsubok na yan ay makakamit mo na ang pangarap na maging regular employee. At makakatanggap ka ng… provincial rate na minimum?! Well, hindi naman siguro yun against sa labor code pero usually sa mga call center naman doble ng minimum rate ang minimum nila dahil nga gabi yung trabaho at madami kang dapat isacrifice bilang isang call center agent.

Pero that time talagang gusto ko ng magtrabaho dahil sawang sawa nako sa pagiging IBM ko. Kaya sabi ko, tangina! Bahala na sila sa mga batman nila, go na ko dito. Ang isa na naming humadlang sa akin ay nung nakita ko yung “production floor” Oh, my gulay! It’s so chipipay! Mukhang internet shop na nalugi! Yung wall gawa sa plywood tapos yung mga pc sigurado akong panahon pa ni Rizal dahil nakita ko pa yung last na tweet nya kay Bonifacio bago siya ifiring squad. Idagdag pa yung DIScomfort room na di hamak na mas malinis pa yung public C.R. sa plaza namin. Tapos eto pa, wala pa ata silang bente katao. Ayun na! sila na ang kabuuan ng company. Kung napanood niyo na yung Outsourced na movie, hai grabe! Walang wala pa yun kumpara dito. Hindi ko talaga kinaya! Tapos pala nakakatawa pa yung “Language Trainer” namin. Si all-in-one. Supposedly hindi ba irerefresh nya English Skills namin? Well ganito po siya magsalita:
1.     You didn’t response
2.     Both couple. (He’s talking about two persons only. Talk about redundant.)
3.     We have to be careful with dat as much as pessible.

…ilan lang yang sa mga kamangha mangha naming natutunan sa kanya. I know di naman ako fluent sa English pero ganun talaga, mapanlait ako eh. Hehe!

3. ???
            Oo unknown siya. Haha! Nagapply kami sa company na ito pero hanggang ngayon di ko pa pala alam ang name. Ni hindi ko man lang naalalang itanong. Pano ba naman kasi hindi ata talaga siya dapat ipagkalat. Outbound siya at ang kanilang produkto ay… dyarannnn! Porn sites! Disclaimer lang po, ang mga susunod kong ilalahad ay walang kasiguraduhan kung may bahid pa ng katotohanan o gawa lang ng malilikot na imahinasyon ng ngkwento, dahil sabi lang ito ng friend ng friend ng jowa ng friend ng kapitbahay ng pinsan ng lolo ng friend ko nun highschool. Gets nyo na? in short, may nagsabi lang sa akin :P so eto na nga, ang nakabibihagning kwento. Yung call center dawn a yun ay nagbebenta ng pornsite membership sa halagang $1, Oh hindi ba murang mura! Kaya abot na abot daw talaga ng mga empleyado ang kanilang mga quota. Akalain mo ba namang yung friend ng friend ng jowa ng friend ng kapitbahay ng pinsan ng lolo ng friend ko nun highschool eh kumikita dawn g php18000 per month?! But wait! There’s more! Sa commission pa lang yun, iba pa yun totoong sweldo nila na php6000. Bongga hindi ba? Yung sweldo nga daw ng boyfriend ng friend ko na naggraduate ng engineering at nagtatrabaho sa Texas Institute sa Pampanga tinatawanan lang ng friend ng friend ng jowa ng friend ng kapitbahay ng pinsan ng lolo ng friend ko nun highschool?!
            Sayang! Dapat si unknown company na ang wagi sa aming job hunting. Gusto na sana naming dun kasi mukhang okay yung company. Okay naman yung place nila at mukhang may mga tamang tauhan at maayos na palakad at in fairness bago ang mga pc nila. Mukha talaga sila opisina. Hindi katulad ng Telesource na nakakahika sa loob dahil sa alikabok. Kaso nung nagpunta kami hindi naman daw hiring.

Haist… alas Diyes na hindi pa din nagtetext. Rest day din siguro ng mga cellphones nila kapag linggo.

Makapanood na nga lang ng Harry Potter and the deathly hallows part 2. Sana maganda :P

No comments:

Post a Comment